- Description
Ang BISIG ay bilingual na refereed journal na nagtatampok ng mga artikulo o papel pananaliksik hinggil sa kalagayan ng sektor ng paggawa at mga komunidad sa Pilipinas na taunang inilalabas ng PUP. Pangunahing itinatampok nito ang mga pag-aaral na sumisipat sa mga napapanahong isyu hinggil sa kalagayan ng mga manggagawa, anakpawis at kanilang mga komunidad. Karaniwang nakatuon ang mga paksa sa mga usapin tulad ng unyonismo, globalisasyon, neoliberal na polisiya, kilusang paggawa, karapatan at kalagayan ng anakpawis, relasyon at kalagayan ng mga industriya, at iba pang katulad. Maaaring ang paksa ay tumatawid sa iba pang disiplina tulad ng kasaysayan, politika, ekonomiya, sikolohiya, wika, sining, kultura, kasarian, kababaihan, diaspora, agham, teknolohiya at iba pa tungo sa paglapit na multi/interdisiplinaryo.
Layunin ng Bisig na maipagpatuloy at lalo pang mapaigting ang mga nasimulang adhikain para sa manggagawang intelektuwal at makabayang edukador na si Dr. Nemesio Prudente, sa pamamagitan ng mga pananaliksik na dumadalumat sa mga penomenang may kaugnayan sa paggawa at ugnayang pang-industriya sa Pilipinas.
- Print ISSN
- 2467-6330
- Online ISSN
- 2546-0765
- Email Address
- bisig@pup.edu.ph
Editorial Team
Editor-in-Chief
- Rimando E. Felicia
Managing Editor
- Ms. Mary Joy Sawa-an
Associate Editor
- Atty. Rebecca C. Chato
- Prof. Jomar G. Adaya
External/International Reviewers and Referees
- Dr. Angelito Manalili
- Dr. Epifanio San Juan Jr.
- Dr. Francis Gealogo
- Dr. Judy T. Taguiwalo
- Dr. Nancy Kimuell-Gabriel
- Prof. David Michael M. San Juan
Internal Reviewers/Referees
- Dr. Hilda F. San Gabriel
- Prof. Lorraine Manansala
- Prof. Marvin G. Lai
- Prof. Paulo Villar
- Prof. Prestoline Suyat
- Prof. Rosemarie Roque
- Prof. Zandro Estella
Principal Contact Person
- Name
- Rimando E. Felicia
- Email Address
- refelicia@pup.edu.ph
- Contact Number
- 3351787 local 304
- Address
- S418, PUP Mabini Campus Anonas St., Sta. Mesa, Manila
CRITERIA FOR AUTHORSHIP
Authorship of the Paper
Authorship should be limited only to those who have made a significant intellectual contribution to the conception, planning, design, execution, or interpretation of the study.
In multiple co-authorship, the corresponding author should ensure the editorial board that all co-authors are listed and that no other uninvolved persons are included in the list. The corresponding author, likewise, should also assure the board that the final draft/version of the paper was agreed upon by all co-authors.
Disclosure and Conflicts of Interest
All authors should disclose any possible conflict of interests that may be construed to influence the results or interpretation of the manuscript.
Originality, Plagiarism and Acknowledgment of Sources
The author must submit only original works and must appropriately cite or quote the work or words of others. He/she assures that the paper does not infringe laws on plagiarism and copyright.
Redundant or Concurrent Publication
Manuscript that have been copyrighted and/or published in other journals/books cannot be submitted. Also, manuscripts which are undergoing review elsewhere must not be submitted.
Errors in the Published Works
The author, upon discovery of any significant error in his/her own published work, must notify the editor or publisher and must cooperate with the editorial team to rectify the error in form of an erratum.
KAHINGIAN SA PAGPAPASA NG PAPEL-PANANALIKSIK
Kailangang orihinal at hindi pa nailalathala o naisusumite para sa konsiderasyon ng ibang publikasyon o journal ang papel-pananaliksik, elektroniko man o limbag na anyo. Dumadaan sa prosesong double-blind peer review ang mga papel-pananaliksik na ipinapasa kaya naman nararapat na hindi ilagay ang anumang pagkakakilanlan sa kahit saang bahagi ng artikulo. Isasaalang-alang ang mga sumusunod na kahingian para sa isusumiteng artikulo:
- Naka-encode o kompyuterisado (MS Word doc.), doble-espasyo at gumagamit ng font na Arial na 12 ang puntos na binubuo ng 20-30 pahina.
- May lakip na abstrak na nakasulat sa wikang Filipino at Ingles na may 200-300 na salita at susing salita na hindi lalagpas sa apat.
- Nakaayon ang dokumentasyon sa estilong APA 7th edition.
- Maaaring nakasulat sa wikang Filipino o Ingles ang papel-pananaliksik at kung sakaling nasa ibang wika, marapat na isalin ito sa Filipino o Ingles at tanging ang salin ang ilalathala.
- Ang ipapasang artikulo ay maaaring bahagi ng tesis, disertasyon, mga tala, rebyu ng aklat o pelikula, komentaryo o papel na natalakay sa seminar o kumperensiya, at iba pang katulad.
- Maaaring lakipan ng biswal na materyal gaya ng orihinal na kuhang-larawan, ilustrasyon, graph, matrix, mapa at iba pang katulad. Tungkulin ng awtor na kumuha ng permiso sa anumang materyal na may karapatang-ari.
- Kalakip ng isusumiteng artikulo ang hindi lalagpas sa sampung pangungusap na bionote o tungkol sa awtor.
Maaaring isumite ang papel sa bisig@pup.edu.ph. Tumatanggap ang Bisig ng mga kontribusyon sa buong taon at inaasahang lalabas ang isyu tuwing Mayo. Kung may paglilinaw o katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Research Publication Office, Rm. 425, South Wing, Main Academic Bldg., Polytechnic University of the Philippines A. Mabing Campus, Sta. Mesa, Manila.
PROSESO NG PAGREREBYU NG MGA PAPEL-PANANALIKSIK
Pagpapasa ng papel-pananaliksik/manuskrito mula sa awtor sa pamamagitan ng pagtawag sa pagpapasa ng papel (call for paper)
Inisyal na pagsusuri sa mga ipinasang papel-pananaliksik ng Lupon ng Editor upang matiyak na sumunod ang manuskrito sa paksa o tema ng journal at pormat ng papel. Magpapahatid ng komunikasyon kung tanggap ang papel ngunit may kailangan irebisa o isasalang ang papel sa double blind review kung walang kailangang baguhin
Pagtitiyak kung nasunod ang rebisyon ng mga awtor ayon sa komento at suhestiyon ng Lupon ng Editor. Kung hindi, muling ibabalik ang papel-pananaliksik sa mga awtor para sa muling pagrerebisa at pagpapaunlad.
Pagsalang ng mga papel-pananaliksik sa sistemang Double Blind Peer Review
- Tanggap ng dalawang referee at walang hinihinging rebisyon
- Tanggap ng dalawang referee ngunit may kaunting rebisyon
- Hindi tatanggap ang papel kung marami (major) ang rebisyon
Kung hindi tanggap ang papel mula sa dalawang referee, pasasalamatan ang awtor sa pagpapasa ng kanyang papel
Kung tanggap ngunit may kaunting rebisyon ay muli itong ibabalik sa awtor para sa pagrerebisa ayon sa komento ng mga referee
Kung tanggap at wala ng kailangang baguhin o irebisa sa papel, ihahanda na ito para sa publikasyon
Lupon ng Editor ang magtatasa kung sapat ang rebisyon na ginawa ng awtor. Kung isa lamang sa referee ang tumanggap sa papel, Lupon din ang titimbang kung sapat ang papel para sa publikasyon.
Ang mga papel-pananaliksik na tinanggap para sa publikasyon ay sasailalim sa Language Editing, Proofreading at Layouting
PUBLIKASYON NG PAPEL-PANANALIKSIK