About

Description

Ang ENTRADA ay ang natatanging pampanitikang journal ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na inilalathala isang beses sa isang taon. Nagsimulang makapaglathala ang Entrada noong 2014. Naging lunan at tagpuan ang Entrada para sa mga bago at batikang manunulat at mananaliksik upang hamunin ang mga posibilidad ng kaalaman, pagkatha at pagkamalikhain. Bukas ang Entrada Journal sa anumang mga paksain at usapin. Nilalayon at tinatanganan ng bawat isyu ng Entrada Journal ang pagpapasulpot ng mga akda at pananaliksik na may matalas na kamalayang panlipunan kasabay ng makabuluhan at masining na pamamaraan ng pag-aakda. Dumadaan ang mga akdang isinumite sa masusing proseso ng double-blind peer review gayundin sa pagtatasa ng lupon ng mga editor nito na kinabibilangan ng mga respetadong iskolar at manunulat sa loob at labas ng bansa.

Print ISSN
2362-9045
Online ISSN
2546-0722
Email Address
entrada@pup.edu.ph
Image Picture

Editorial Team

Editor-in-Chief
  • Mark Joseph N. Rafal
Associate Editors
  • Alvin M. Ortiz
  • John B. Bengan
  • Jomar G. Adaya
Managing Editors
  • Merdeka D. Morales
Editorial Staff
  • Jenna Bien R. Dolovino
Editorial Consultancy Board
  • Dr. Carlos M. Piocos III, De La Salle University
  • Dr. Caroline S. Hau, Kyoto University
  • Dr. Conchitina Cruz, University of the Philippines Diliman
  • Dr. Edgar C. Samar, Ateneo De Manila University
  • Dr. Efren R. Abueg, University of Perpetual Help / Polytechnic University of the Philippines
  • Dr. Epifanio San Juan Jr., Philippine Cultural Studies Center
  • Dr. Eugene Y. Evasco , University of the Philippines Diliman
  • Dr. Jun Cruz Reyes , University of the Philippines Diliman / Polytechnic University of the Philippines
  • Dr. Resil B. Mojares, University of San Carlos
  • Dr. Ruth Elynias S. Mabanglo, University of Hawaii, Manoa
  • Dr. U.Z. Eliserio, University of the Philippines Diliman

Principal Contact Person

Name
Merdeka D. Morales
Email Address
entrada@pup.edu.ph
Contact Number
335-7777 loc 327
Address
Center for Creative Writing, Room 212 Charlie del Rosario Bldg, PUP Main Campus, Sta. Mesa, Manila
Image Picture

KAHINGIAN SA PAGPAPASA NG MALIKHAING AKDA/PAPEL-PANANALIKSIK

Bukas ang Entrada Journal sa anumang mga paksain at usapin hinggil sa panitikan at malikhaing pagsulat na may matalas na kamalayang panlipunan kasabay ng makabuluhan at masining na pamamaraan ng pag-aakda at pananaliksik. Dumaraan sa proseso ng double-blind peer review ­mula sa mga respetado at batikang manunulat at mananaliksik ang mga malikhaing akda at papel-pananaliksik na ipinapasa para sa dyornal.

 

  1. Tumatanggap ang Entrada ng mga akda na nakasulat sa Filipino at Ingles, gayundin ng mga akdang nakasulat sa mga rehiyunal na wika kalakip ang mga salin sa Filipino o Ingles.
  2. Ang mga sumusunod na genre ay tinatanggap ng Entrada bagamat hindi nakakulong o limitado lamang sa mga ito. Maaaring magpasa ng mga akdang sumusubok o lumalampas sa kategorisasyon ng mga sumusunod:
    • Maikling kuwento, mga dagli (tatlo hanggang lima), malikhaing sanaysay (personal na sanaysay, memoir o mga katulad)
    • Isang mahabang tula o koleksyon ng hindi bababa sa tatlo at lalagpas sa limang mga tula
    • Kritikal na mga artikulo/sanaysay ukol sa panitikan at malikhaing pagsulat
    • Bahagi mula sa graphic novels o isang buong graphic short story
    • Bahagi o tsapter ng isang binubuong nobela
    • Dula na may isang yugto
  3. Ang maikling kuwento, dagli at malikhaing sanaysay ay naglalaman ng 15 hanggang 25 pahina, sa 8.5x11 na sukat ng papel, isang pulgadang margin sa lahat ng gilid, double spaced, 12 font size at maaaring nasa Times New Roman o Arial. Ang mga ipapasang malikhaing akda sa mga genre na ito ay kinakailangang lakipan ng tatlo hanggang limang pahina ng poetika na nagpapaliwanag sa proseso ng paglikha sa ipinasang akda.
  4. Ang isang mahabang tula o koleksyon ng mga ito, tatlo hanggang lim, ay ilalagay sa 8.5x11 na sukat ng papel, isang pulgadang margin sa lahat ng gilid, single spaced, 12 font size at maaaring nasa Times New Roman o Arial.
  5. Ang kritikal na artikulo/sanaysay ay naglalaman ng 15 hanggang 25 pahina, sa 8.5x11 na sukat ng papel, isang pulgadang margin sa lahat ng gilid, double spaced, 12 font size at maaaring nasa Times New Roman o Arial at gumagamit ng MLA Citation. Lakipan ang artikulo/sanaysay ng abstrak.
  6. Lahat ng ipapasang malikhaing akda at pananaliksik ay kinakailangang orihinal at hindi pa naipapasa at nailalathala sa alinmang publikasyon.
  7. Lakip ng ipapasang malikhaing akda at pananaliksik ang pormularyo at katunayan ng orihinalidad gayundin ng maikling pagpapakilala sa sarili na hindi hihigit sa limang pangungusap. Maaaring makuha rito ang pormularyo at katunayan ng orihinalidad: https://docs.google.com/document/d/1O7xPgfJMBxknZ05rGvqPWGXaoS66TKcp/edit?usp=sharing&ouid=117931568139004380066&rtpof=true&sd=true
  8. Ipasa ang mga akda sa entrada@pup.edu.ph gamit ang mga sumusunod na subject: [Wika], [Genre], [Pamagat], [Apelyido ng may-akda]. Halimbawa: Filipino, Maikling Kuwento, Isang Araw, Dela Cruz. Ang mga ipapasang attachment ay kailangang nasa file format na .doc o .docx.

 

Maaaring ipasa sa entrada@pup.edu.ph ang mga malikhaing akda at papel-pananaliksik. Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa nabanggit na email address o magtungo sa tanggapan ng Center for Creative Writing, Room 212, Charlie Del Rosario Building, Polytechnic University of the Philippines, A. Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila.

 

PROSESO NG PAGREREBYU SA MGA MALIKHAING AKDA AT PAPEL-PANANALIKSIK

  1. Pagpaskil ng panawagan o call for creative works/papers sa mga social media account at PUP Website.
  2. Pagpapasa ng awtor ng kanilang mga malikhaing akda/papel-pananaliksik sa pamamagitan ng email.
  3. Pagpapabatid sa mga awtor na natanggap ng Lupon ng Editor ang mga ipinasang manuskrito.
  4. Paunang pagsasala ng Lupon ng Editor sa mga ipinasang malikhaing akda/papel-pananaliksik upang matiyak na sumusunod sa kahingian ng dyornal ang mga manuskrito.
  5. Pagpapabatid sa mga awtor na ‘natanggap sa unang pagsasala’ o ‘hindi natanggap sa unang pagsasala’ ng Lupon ng Editor ang mga ipinasang manuskrito.
  6. Kung natanggap, ipababatid sa awtor na isasalang na sa double-blind peer review ang ipinasang manuskrito.
  7. Pagsalang ng mga malikhaing akda/papel-pananaliksik sa proseso ng double-blind peer review ay maaaring
    1. nakapasa sa dalawang referee at walang hinihinging rebisyon
    2. nakapasa sa dalawang referee ngunit may kaunting rebisyon
    3. nakapasa sa dalawang referee ngunit may malaking rebisyon
    4. hindi nakapasa ang manuskrito sa dalawang referee
  8. Matapos ang proseso ng double-blind peer review, ang awtor ay bibigyan ng pabatid na
    1. nakapasa sa dalawang referee ang manuskrito at walang hinihinging rebisyon at ihahanda na para sa proseso ng publikasyon
    2. nakapasa sa dalawang referee ang manuskrito ngunit may kaunting rebisyon kaya’t ibabalik ito kasama ang mga komentaryo at mungkahi ng mga referee
    3. nakapasa sa dalawang referee ang manuskrito ngunit may malaking rebisyon kaya’t ibabalik ito kasama ng mga komentaryo at mungkahi ng mga referee
    4. hindi nakapasa ang manuskrito sang-ayon sa kapasyahan ng mga referee
  9. Matapos ang rebisyong isinagawa ng awtor, tatasahin ng Lupon ng Editor ang manuskrito kung sumunod ito sa mga komentaryo at mungkahi ng mge referee. Kung sa isang referee lamang nakapasa ang manuskrito, ang Lupon ng Editor ang titimbang kung sapat ang papel para sa publikasyon.
  10. Pagpapabatid sa mga awtor na nakatugon sa rebisyon na sasailalim na sa proseso ng Proofreading at Layouting ang mga manuskrito.
  11. Paglalathala ng mga malikhaing akda/papel-pananaliksik sa Entrada Journal.